Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng hapon, Enero 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:39 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 84 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng naturang lindol.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.