Nanawagan si Bishop Joel Baylon ng Diocese of Legazpi sa mga mananampalataya na pag-aralang mabuti ang People’s Initiative (PI) signature campaign na naglalayong suportahan ang Charter Change (Cha-cha) at amyendahan ang 1987 Constitution.

Ayon kay Bishop Baylon, dapat umanong palaging para sa kabutihan ang pagbabago ng Konstitusyon.

“Changes in the Constitution must always be made for the common good,” ani Bishop Baylon na inulat ng Manila Bulletin.

“It should never affect any of our rights and freedom,” dagdag pa niya.

Breast Cancer Awareness Month, ginugunita; pambabae lang ba?

Hinikayat din ng obispo ang mga mananampalataya na huwag tumanggap ng alinmang pinansyal o materyal na suporta kapalit ang kanilang mga lagda sa nasabing inisyatiba.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagpahayag ng pagsalungat si Caritas Philippines President at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa hakbang na baguhin ang Konstitusyon ng bansa.

“Any attempt to alter the Constitution, especially when shrouded in secrecy and lacking genuine public participation, raises serious concerns about its true motives. The country's fundamental law is not a political football to be kicked around at the whims of those in power,” ani Bishop Bagaforo kamakailan.