Sinagot ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Teofilo Guadiz III ang alegasyon tungkol sa anomalya sa implementasyon ng public utility vehicles (PUV) modernization.

Sa inorganisang press briefing ng Presidential Communications Office (PC) nitong Lunes, Enero 15, hiningan ng pahayag si Guadiz kaugnay sa lumulutang na alegasyon sa nasabing anomalya.

“Ang comment po namin, unang-una po during my term as the chairman po, ang focus po namin dito ay consolidation muna. Ini-encourage namin ‘yong mga jeepney operators na magsama-sama,” saad ni Guadiz.

“So, wala po kaming nakikitang anomalya ‘pag pakiusapan mo ang isang operator na sumama at makianib sa isang operatiba,” aniya.

Eleksyon

Ex-Pres. Duterte, babawiin kandidatura bilang alkalde ng Davao City; tatakbo umanong senador

Ayon kay Guadiz, pagpili umano ng mga sasakyan ang posibleng tinutukoy na anomalya sa pagpapatupad ng PUV modernization.

“In our time, wala pa naman ho kaming ganyang proyekto. And ang pagpili po ng sasakyan ay nasa mga kooperatiba po. Wala po kaming impluwensiya kung anoman po ‘yong piliin nila. Kung ‘yong pagkamura-murang mga 1.2 million o ‘yong pagkamahal-mahal na 2.4 million. It is purely a business decision po,” pahayag niya.

Dagdag naman ni Office of Transportation Cooperatives Chairperson Jesus Ferdinand Ortega: “Every time may meeting forum kami since 10 months na po ako dito, inuunahan ko na sila. Wala akong impluwensiya. Hindi ako magsasabi. Nasa kamay n’yo ‘yan.”

Ngunit paalala niya, mahalagang maging responsable sa pagpili ng tamang produkto.