Viral ang Facebook post ng isang netizen matapos niyang sabihing tila "nalinlang" siya ng isang tinderang pinagbilhan niya ng isda mula sa isang palengke.

Ayon sa post ni "Ag Dollthreadsph," bilang daw niya kasi kung ilang slices o hiwa ang ginawa ng tindera nang bilhin niya ang yellowfin sa kaniya.

Batay sa bilang niya, 11 piraso ang nagawa sa isda, subalit nang bilangin niya ito sa bahay pagkauwi, 10 hiwa na lamang.

Dahil dito ay tila pumunggok daw ang isda at nanghihinayang siya sa isang hiwa.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ang tinderang napagbilhan daw niya ay hindi niya suki kaya sa ibang puwesto siya napabili.

Laman ng post niya:

"PESTE! di ako makamove on 😂

PARANG NILINLANG AKO NUNG TINDERA.😒

Yung ISDA KO NAGING PUNGGOK!!!

So bumili ako ng isda kanina umaga sa palengke,

yung SUKI ko naubusan na ng yellow fin kaya sa iba na ako nakabili, so eto na nga…

Nung hinihiwa yan kanina sa palengke binilang ko na which is 11 SLICES yarrrn..🐠

OO BINIBILANG KO GANYAN AKO eh! 😝 para alam ko na kung ilang luto gagawin ko sa kanya since 2 lang kami nakain sa bahay nyan.

Moving forward, nakauwi na; Nung nililinis ko na siya syempre binilang ko ulit, yan nga 10 SLICES na siya.

Kaya binuo ko siya para makita kung mali lang ba ako ng bilang kanina ( pero imposible 1-11 lang malito ka pa ba bilangin? ) apakabungol mo naman nun HAHA

Edi ayun na nga gusto ko pa nga tahiin kanina 🤣 para lang majustify ko na KULANG YUNG PARTE NG ISDA, kasi naiinis ako FEELING KO TALAGA MAY MALI. Sabi nya unahin nya daw yung SENIOR muna🤨

Tapos itinabi muna yung binili ko…

Kasi kung titignan mo maigi yung linya ng isda after nung ulo, hindi pantay parang may nawawala.

TINGIN NYO BA???

📍POV : KINGINA! ₱450 ang KILO nya tapos ano? KULANG ANG IBIBIGAY MO SAKIIIIIIN? aba!

Muka ba ako hindi marunong mamalengke,

HINDI KA SYUUUUUUURRRR SAKIN TE!!!🤪😈

I SHALL RETURN!😝😝😝," aniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. Tila marami kasi ang naka-relate sa kaniya.

"Ganyan din nung buy ako whole chicken.paguwi ko kulang ng isang hita."

"Kulang nga...actually pati sa lechon manok ginagawa nila Yan ...madalang na madalang nalang talaga mga taong tapat ngayon...kadalasan walang takot sa paggawa Ng masama.."

"Balikan mo mamsh tas update mo kami kng anong nangyari ah. Haahaha."

"kakaloka, metikulosa at oozy si ate hahaha."

Samantala, wala pang update ang netizen kung naidulog ba niya sa inirereklamong tindera ang concern niya.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 27k reactions, 2.6k shares, at 5.2k comments ang nabanggit na Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!