Hindi pa rin napapanalunan ang mahigit sa ₱593.8 milyong jackpot sa lotto nitong Linggo ng gabi.

Sa 6/49 Super Lotto draw, lumabas ang winning combination na 29-35-24-20-02-43, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Inaasahan ng PCSO na madadagdagan pa ang naturang premyo sa susunod na draw nito.

Binobola ang Super Lotto tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Matatandaang isang taga-Quezon City ang nanalo ng mahigit sa ₱310.6 milyon sa 6/49 Super Lotto noong Disyembre 19, 2023.