Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na tutulungan ng gobyerno ang mga Public Utility Vehicle (PUV) driver na hindi nakapag-consolidate ng prangkisa kaugnay sa isinusulong na modernization program.

Ipinaliwanag ni Office of Transportation Cooperatives (OTC) chairman Jesus Ferdinand Ortega, tututukan ng pamahalaan ang sitwasyon ng mga nabanggit na driver hanggang makahanap ng trabaho.

Kinukumbinsi rin nito ang mga apektadong driver na sumali sa mga kooperatiba at korporasyon upang makapagpatuloy ng pagbiyahe.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nasa 190,000 PUVs na sa buong bansa ang nakapag-consolidate, katumbas ng 1,728 na kooperatiba at korporasyon na naitatag mula nang simulan ang programa noong 2017.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni LTFRB board member Riza Marie Paches na makabibiyahe pa ang tradisyunal na jeep hangga't hindi pa napapalitan ng mas moderno.