Kinaaliwan ng mga netizen ang tila "pa-shade" daw ni Sarah Lahbati hinggil sa ipinupukol na isyung "waldasera" siya sa pera kaya hiniwalayan siya ng mister na si Richard Gutierrez, bagay na hindi kumpirmado mula mismo sa kanilang mga bibig.

Tila makahulugan ang caption ni Sarah sa kaniyang TikTok video na "who wants to go shopping with me."

Nag-lip sync naman si Sarah sa saliw ng "I'm obsessed" habang umaawra-awra sa camera.

"No I don't think you understand, I'm obsessed" sabi sa nili-lip sync niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Sa comment section, tinawag siyang "Waldas Queen" ng mga netizen.

"anteeee theee shade hahahahhaha mama will cry 🤣"

"The caption thou HAHAA"

"Patron Saint of Shopping and Aivee clinic! ❤️"

"The Waldas Queen!"

"Well, ginawa naman talaga ang pera para gastusin, pero make sure na may savings din."

"Let’s go shopping!!! 😂"

Matatandaang nagmula sa kaniyang biyenang si Annabelle Rama ang tungkol sa umano'y pagwawaldas niya habang trabaho naman nang trabaho ang anak na si Richard.

MAKI-BALITA: Sarah nag-flex ng bagong kotse; sinabihang waldasera, gastuserang asawa