Tuluyan nang pumasok ang Rain or Shine (ROS) sa quarterfinals matapos dispatsahin ang Converge, 112-111, sa pagtatapos ng PBA Season 48 Commissioner's Cup elimination round sa PhilSports Arena sa Pasig City nitong Linggo. 

Pinamunuan ni Tree Treadwell ang Elasto Painters ang laban matapos kumubra ng 21 points, 17 rebounds, at walong assist.

Kasama si Treadwell sa nagbigay ng bentahe sa Rain or Shine, 111-108, 35.6 segundo na lamang sa final period, bago pa pumasok ng free throw ni Beau Belga.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nabigo naman si Converge import King Caralipio na makahabol matapos maharang ang pagtatangka nito sa papaupos na oras.

Ito na ang ika-anim na sunod na panalo ng ROS at nakapasok sa quarterfinals kahit nasa ika-pito sa team standing.