Tila hindi pa rin daw nakakamove-on hanggang ngayon ang aktres na si Claudine Barretto sa estranged husband niyang si Raymart Santiago.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Sabado, Enero 14, inispluk ni showbiz columnist Cristy Fermin ang nasagap niyang tsika tungkol sa ilang beses na pagtatangka ni Claudine na makipagbalikan kay Raymart.

“Mayroon pong lumulutang ngayon na isyu. Ito talaga, kinilabutan ako noong marinig ko ito. Na kaya raw po nagkakaganito si Claudine Barretto ay tatlo hanggang mahigit na beses siyang nagparamdam kay Raymart na magkabalikan na sila,” kuwento ni Cristy.

“Pero hindi tinanggap ni Raymart ang kaniyang suggestion,” aniya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Parang si Claudine parang hindi siya nakakamove-on. [Si Raymart] nakasulong saka nakita mo maayos ang takbo ng buhay, ang karera. Pero si Claudine kasi nawala,” sagot naman ni Romel Chika nang tanungin siya ni Cristy kung naniniwala ba siya hinggil sa nasabing tsika.

Sa pananaw naman ng isa pang co-host na si Wendell Alvarez, tila kapakanan ng anak nila ni Raymart ang iniisip ni Claudine kaya sinubukan nitong makipagbalikan sa dating asawa.

Matatandaang sumalang kamakailan si Claudine sa “Luis Listens” at sa isang bahagi ng panayam ay nagbigay siya ng ilang detalye tungkol sa nakabinbing kaso sa pagitan nila ni Raymart.

Dahil dito, pumalag ang abogado ni Raymart kaugnay sa kontrobersiyal na panayam ni Claudine.

MAKI-BALITA: Abogado ni Raymart, nagsalita kontra panayam ni Claudine kay Luis