Umalma ang dating "Pinoy Big Brother" teen housemate-turned-actor na si Patrick Sugui sa mga dumadawit sa kaniyang misis na si Aeriel Garcia sa isyu ng hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Si Patrick ay kasama sa "Nguya Squad" na isang barkadahan na kinabibilangan ng KathNiel, Joshua Garcia, Zanjoe Marudo, Ria Atayde, Alora Sasam, at silang mag-asawa.

Malisyoso ang kumakalat na blind item na may pamagat na "Mermaid and Disco" dahil pinapalabas ditong nagkaroon ng ugnayan si "mermaid" kay "disco" at sinisid pa raw ng una ang huli.

Si Mermaid ay tumutukoy raw kay Aeriel (kapangalan ni Little Mermaid) at si Disco ay si Daniel daw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya raw nagkawatak-watak ang grupo nila at hindi nakarating ang KathNiel sa kasal nila ay dahil sa isyung ito.

Palag ni Patrick, walang naging ugnayan si Aeriel kay Daniel, at hindi raw niya alam kung saan nanggagaling ang tsikang ito.

"Yung nanahimik kayo, pero dinamay parin 😂 sigi, kung masaya kayo diyan e. Teka, papakain lang kami ng baby," ani Patrick sa kaniyang X post nitong Enero 12 ng hapon.

https://twitter.com/patsugui/status/1745703270918787138

"We dont know where all of this is coming from. But i can assure you guys, my wife has nothing to do with this😂

Yung di nila pag attend sa wedding namin before, naclear na namin yung reason kung bakit di sila nakapunta. Stop making false accusations please. Were trying to …," aniya pa.

https://twitter.com/patsugui/status/1745711697133019180

"Were trying to live a quiet life so please stop. 😂 Im only talking kasi nadawit nanaman name ng wife ko. There’s no truth to this. Thats all. Salamat✌🏻"

https://twitter.com/patsugui/status/1745712171567513830

May X post din siya laban sa mga nagsasabing bakit daw nag-iingay pa siya at "sumasakay" sa isyu.

"Pag di nagsalita, guilty daw… pag nagsalita naman, ang ingay ko daw 😂 ano ba talaga😂😂😂 bahalakayodiyan 😂."

Nag-ugat ito sa pag-unfollow ni Kathryn kay Daniel sa Instagram, na sinundan pa ng pag-unfollow niya kina Liza Soberano, Gillian Vicencio, at Julia Barretto.

Kaniya-kaniyang espekulasyon tuloy ang mga netizen kung bakit inunfollow ni Kathryn sina Liza at Julia at ano ang kinalaman nila sa "cheating" issue at hiwalayan nila ni DJ.

Si Gillian kasi ay nakaladkad na sa isyu noon, ngunit pinabulaanan na niyang may kinalaman siya rito.

Lalong umingay ang isyu dahil sa makahulugang posts ng kapatid ni Kathryn na si Kaye Bernardo, na iniuugnay naman ng mga netizen sa "pagtataksil" ni Daniel kay Kathryn sa iba't ibang taon.

Sa kabila ng "lumalaking" isyung ito ay nananatiling tahimik ang kampo nina Kathryn at Daniel.