Isingit din ng mambabatas ang kontrobersyal na ₱15 bilyong halaga ng Interim Reimbursement Mechanism na hanggang sa ngayon ay wala pang napananagot.
Nauna nang idinahilan ng PhilHealth, itataas sa limang porsyento ang premium contribution rate mula sa apat na porsyento alinsunod sa Universal Healthcare Law.
Kaugnay nito, nanawagan din si Brosas sa pamahalaan na pagtibayin ang House Bill 408 na may layuning alisin ang probisyon sa UHC law para sa automatic increase ng premium contribution.