Napakomento raw si "EAT... Bulaga!" host Maine Mendoza sa isang netizen na nakapansing nag-ulit siya ng isang damit sa show na nauna na niyang ginamit noon sa isang event.

Grabe ang netizen na ito dahil nasa memory pa niya na isinuot daw ni Maine ang green dress mula sa isang sikat na shop sa prenup photoshoot ng mister niyang si Arjo Atayde.

Pero batay sa sinabi ng netizen, mukhang pinuri niya si Maine na wala raw itong pakialam kahit umulit siya ng damit.

Bagay na kinomentuhan naman ni Maine.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Ang tagal ko nang curious! Hindi ko gets yung big deal sa iba ang pag-ulit ng damit ng public figures. Hehe serious question.. may issue ba sa pag-ulit ng damit [smiling face emoji]?" anang Maine.

Photo courtesy: Maine Mendoza (X) via Fashion Pulis

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Even yun england royals nag uulit ng damit noh."

"Ang dami alam ng mga pinoy e."

"ano nga ba problema if mag-repeat ng damit? di ba mas ok nga kasi practical at nakaka-save ng pera lalo na if hindi ka naman celeb."

"Si Vice Ganda din daw di nag uulit ng damit noon because nilalait sya ng netizens pag nakitang nire-use nya yung outfit nya, ginagawang katatawanan. now wala na daw sya pake haha."

"Ang plastic lang nung mga shaming sa pag-uulit ng damit. Dapat ba one-time use o disposable ang mga damit? LOL!"

"Yung hilig manlait ng ganyan sa public figures make sure lang hindi kayo nag-uulit ng damit ha. Mahiya naman kayo sa environment at mga landfills na puno na."