Hindi nagustuhan ng ilang DonBelle fans ang kumalat na video nina Kapamilya stars Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo.

Sa isang episode kasi ng Cristy Ferminute nitong Biyernes, Enero 12, sinabi ni showbiz columnist Cristy Fermin na “pinipigipit,” “tinututukan,” at “binebembang” ng nasabing fandom si Kathryn dahil dito.

Matatandaang hinaluan ng malisya ng isang netizen ang paglapit ni Donny kay Kathryn sa reception ng kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda habang sumasayaw ang aktres.

Pero sabi ni Cristy: “Ano naman pong masama kung in-entertain naman ni Donny Pangilinan itong si Kathryn? Alangan namang mag-snoban e magkakaibigan nga sila ‘di ba.”

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

“O, e anong kasalanan ni Kathryn kung nilapitan siya ni Donny? E ‘di palapitin n’yo rin si Belle,” dagdag pa niya habang natatawa.

Nauna nang magsalita sa isyung ito si Donny at sinabing magkaibigan lang daw sila ni Kathryn.

Pati ang ikinasal na si Robi ay nagbigay rin ng pahayag at nilinaw ang tungkol sa kumalat na video nina Kathryn at Donny para sa ikakapanatag ng loob ng lahat.

MAKI-BALITA: Robi nagsalita tungkol sa pang-iintriga kina Donny at Kathryn