Sinamsam ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang aabot sa ₱3 milyong halaga ng 'ukay-ukay' o segunda-manong damit sa Matnog Port sa Sorsogon kamakailan.

Sa report ng PCG, napansin ng K9 team ang tone-toneladang second hand na damit na nakasakay sa isang truck habang nag-i-inspeksyon sa nasabing daungan nitong Disyembre 11.

Gayunman, nabigo ang driver ng truck na maglabas ng papeles ng karga nito.

Dahil dito, kaagad na kinumpiska ng Coast Guard ang naturang truck at kargang mga ukay-ukay.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Inaresto rin ang driver na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan, ayon pa sa PCG.

Hawak na ng PCG ang driver at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 4653 o ang batas na nagbabawal sa commercial importation ng mga segunda-manong damit at basahan.