Sumalang si TV host-actress Miles Ocampo sa latest vlog ni ABS-CBN news anchor Karen Davilla nitong Huwebes, Enero 11.

Isa sa mga napag-usapan sa nasabing vlog ay ang tungkol sa paghihiwalay nina Miles at ng ex-jowa nitong si Elijah Canlas.

“May mga bagay na nangyari, Miss Karen, of course sa isang relationship naman it’s not just hindi lang naman isang tao. Parang you have to make it work kayong dalawa,” pahayag ni Miles.

“So, syempre may mga pagkukulang…’yung isa’t isa. But I’m happy na naiwan lahat ng issues namin na ‘yon sa 2023, Miss Karen. We started this year na okay kami,” aniya.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Dagdag pa ni Miles: “Hindi rin naman biro ‘yong mga pinagdaanan namin. Of course, may mga bagay na kami lang ang makakaalam at makakasagot sa isa’t isa. So, might as well be friends for now.”  

“Siya ba ang true love mo?” tanong naman ni Karen.

“Yes, Miss Karen. First jowa, first boyfriend, first everything,” sagot ni Miles.

Pero sa ngayon, hindi pa raw handang makipag-date si Miles. Marami raw kasing magagandang nangyayari sa kaniya. 

“May mga offers na mga work. Parang sabi ni Lord, ‘anak, ito muna’. So, ito muna ang mga haharapin natin ngayong taon,” saad ni Miles.

Matatandaang  Nobyembre noong nakaraang taon nang aminin ni Elijah sa isang panayam na hiwalay na raw sila ni Miles bagama’t nakasuporta naman daw siya para sa aktres sa kabila ng nangyari.

MAKI-BALITA: Elijah Canlas, Miles Ocampo hiwalay na