Sina Kapamilya stars Donny Pangilinan at Belle Mariano daw ang top love team para kay showbiz columnist Lolit Solis.

Sa latest Instagram post ni Lolit nitong Biyernes, Enero 12, sinabi ni Lolit na ang cute daw nina Donny at Belle.

“Cute naman iyon loveteam nila Donny Pangilinan at Belle Mariano Salve. Bagay na bagay iyon dalawa at talagang sa ngayon parang sila ang top loveteam,” saad ni Lolit.

“At talagang makikita mo agad ang chemistry sa dalawa,” aniya.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Binanggit din ni Lolit sina Jane De Leon at Andrea Brillantes sa nasabing post. Ayon sa kaniya, binabantayan din daw niya ang progress ng career ng dalawa para malaman kung tama ang hula niya na magiging hot stars din sila sa showbiz pagdating ng araw.

Dagdag pa niya: “Suwerte din si Jillian Ward dahil GMA talent siya na tiyak ang backing ng istasyon para maging top star siya, kaya isa rin siya sa running kung pag uusapan ang stardom.”

Pero sa ngayon, hintayin daw muna kung sino ang mauunang makarating sa pinakamataas na pwesto batay sa mga binanggit na artista.

Matatandaang nagpahayag ng pagkatuwa si Lolit kay Andrea dahil sa pagiging totoo nito at sa ipinapakitang katapangan. Gayundin kay Jillian na kasalukuyang namamayagpag maski walang ka-love team.

MAKI-BALITA: Lolit Solis, talagang natutuwa kay Andrea Brillantes: ‘Hindi siya duwag…’

MAKI-BALITA: Lolit puring-puri si Jillian Ward