Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng umaga, Enero 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:05 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 97 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 3 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.