Nasa 45 ang isinugod sa ospital matapos tamaan ng gastroenteritis sa Baguio City.

Ito ang kinumpirma ni City Mayor Benjamin Magalong sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes at sinabing ang mga nasabing pasyente ay kabilang lamang sa tumataas na bilang ng kaso ng sakit sa lungsod.

Karamihan aniya sa mga tinamaan ng sakit ay itinakbo sa Baguio General Hospital and Medical Center.

Sa ngayon aniya, nasa 2,119 na ang naitalang kaso ng sakit.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Lumaganap na aniya ang sakit sa lungsod at tiniyak na nakatutok pa rin sila sa pediatric patients dahil kabilang ang mga ito sa vulnerable group.

Paglilinaw ni Magalong, libre ang iniaalok nilang medical assistance para sa lahat ng apektado ng sakit.

Kaugnay nito, iniutos na niya ang pagsusuri sa mga water sources at sa business establishment upang matiyak na hindi na kumalat pa ng sakit.