Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na buwan ang voter registration sa bansa.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, sisimulan ang voter registration sa Pebrero 12.

Magtatagal naman ito hanggang sa Setyembre 30, 2024.

Samantala, ang voter registration naman para sa mga overseas Filipino ay nagpapatuloy hanggang sa Setyembre 30, 2024.

Ayon kay Garcia, target ng Comelec na makapagtala pa ng karagdagang tatlong milyong registrants para sa susunod na halalan.

Sa kasalukuyan ay mayroong 68 milyong registered voters sa bansa.