“One of nature's masterpieces unfolds.”

Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-manghang larawan ng supergiant star na “V838 Monocreotis” na matatagpuan daw 20,000 light-years ang layo mula sa Earth.

Sa isang Instagram post, sinabi ng NASA na nakuhanan ang larawan ng V838 Monocreotis ng kanilang Hubble Telescope sa outer edge ng Milky Way Galaxy.

“The expanding illumination of never-before-seen spirals of dust is called a light echo. These swirls are likely caused by the dust and gas that are being ejected from the red supergiant star in a previous explosion,” anang NASA.

NASA, nagbahagi ng larawan ng ‘nag-aalab’ na araw

“During that event, the star became 600,000 times more luminous than our Sun,” dagdag pa nito.

Naobserbahan naman daw ng astronomers na ang naturang bituin ay patuloy na magbabago habang ang illumination ay patuloy na lumalawak sa bilis ng liwanag.

Kamakailan lamang, nagbahagi ang NASA ng “nag-aalab” na larawan ng araw na napitikan daw ng Solar Dynamics Observatory noong Disyembre 31, 2023.