“The Sun wanted to celebrate the new year with us.”

Nagbahagi ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng “nag-aalab” na larawan ng araw na napitikan daw ng Solar Dynamics Observatory noong Disyembre 31, 2023. 

Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na limang beses na mas malakas ang “solar flare” ng araw noong Disyembre 31.

“The Sun influences the Earth in more ways than just brightening your day. Solar flares are sudden explosions of energy caused by tangling of its magnetic fields near sunspots, or cooler areas on the Sun’s surface,” anang NASA sa nasabing post.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

“A fleet of space and land-based instruments monitor solar weather, which can cause disruptions to satellites, GPS, and radio communications,” dagdag nito.

Ayon din sa NASA, nagkakaroon ng mga oras kung saan mataas ang aktibidad ng araw at mayroon din daw mga pagkakataon na mababa ang aktibidad nito.

“The height of the Sun’s activity is known as the Solar Maximum, where solar flares and sunspots are more common,” saad ng NASA.

Ang susunod daw na solar maximum ay inaasahang magaganap pagdating ng Hulyo 2025.⁣