Muli na namang pinag-uusapan ang ex-reel at real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos mapansin ng mga marites na hindi na raw naka-follow ang una sa Instagram account ng huli.

Photo courtesy: Screenshot from Kathryn Bernardo (IG)

Subalit kung bibisitahin naman ang Ig account ni Daniel, makikitang naka-follow pa rin ito kay Kathryn.

Photo courtesy: Screenshot from Daniel Padilla (IG)

Politics

Barbers, 'di sang-ayon sa pahayag ni Tiangco tungkol sa pagkatalo ng Alyansa: 'Misleading!'

Kaugnay pa rin ito sa isyu ng kanilang hiwalayan matapos kumpirmahin ng dalawa ang kanilang paghihiwalay noong Nobyembre 30, 2023.

Ilang araw lamang ang nakalilipas, muling naispatang magkasama ang KathNiel---subalit sa performance lamang nila sa ABS-CBN Christmas Special 2023.

MAKI-BALITA: KathNiel ‘nagkabalikan’ sa ABS-CBN Christmas Special 2023

Nagkaroon ng ideya ang mga netizen na mukhang sinusubukang makipagbalikan ni Daniel matapos nitong burahin ang official statement kaugnay ng break-up.

Subalit tila binali na kaagad ang mga "hopiang" fans at supporters matapos niyang mag-post tungkol sa "no looking back" pero "moving forward."

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo: ‘No looking back, only moving forward’

Sa kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda ay muling namataang magkasama ang dalawa dahil pareho silang candle bearer sa kasal.

MAKI-BALITA: Kathryn at Daniel, ‘nagkabalikan’ sa kasal nina Robi at Maiqui

Kaya naman sa ginawang pag-unfollow ni Kathryn, malinaw na tila wala na talagang tsansang muling magkabalikan ang dalawa.