Hindi pababayaan ng pamahalaan ang kaso ni Mary Jane Veloso, ang Pinoy na hinatulan ng kamatayan dahil umano sa pagpupuslit ng illegal drugs sa Indonesia noong 2010.

Ipinaliwanag ng Department of Foreign Affairs (DFA), bukod sa legal at welfare assistance, binibigyan din nila ng consular services si Veloso habang gumugulong ang apela ng pamahalaan na pagkalooban ito ng clemency.

Sinabi ng DFA, nakikipag-ugnayan pa rin sila sa Department of Justice (DOJ) kaugnay naman ng kasong iniharap ni Veloso laban sa mga recruiter nito.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Ilang oras bago dumating sa bansa si Indonesian President Joko Widodo nitong Martes ng gabi, umapela ang pamahalaan na pagkalooban ng clemency si Veloso.

Nauna nang nagpahayag ng pag-asa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na mabigyan ng clemency si Veloso.

Matatandaang nahatulan ng kamatayan si Veloso matapos mapatunayang nagkasala sa kasong pagdadala umano ng 2.6 kilo ng heroin sa Adisucipto International Airport sa Yogyakarta noong 2010.

Noong Abril 28, 2015, sumuko sa pulisya si Maria Cristina Sergio, isa sa recruiter ni Veloso at ito rin ang itinakdang araw ng pagsalang sana sa firing squad sa huli.

Gayunman, hindi ito natuloy matapos dumating ang last-minute appeal ni dating Pangulong Benigno Aquino III.