Umalma ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kumalat na maling impormasyong nagsasabing magkakaroon ng payout para sa buwang tulong-pinansyal ng ahensya.

Binigyang-diin ng DSWD, hindi totoo ang kumakalat na social media post na ang DSWD ay mamamahagi ng monthly financial assistance na bahagi ng Unconditional Cash Transfer (UCT) program at ang listahan ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng isang link.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

"Ang UCT ay subsidiya na ipinatupad noong 2018 at natapos noong 2020 sa ilalim ng Republic Act 10963 o Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law," anang ahensya.

Paglilinaw ng ahensya, hindi opisyal na Facebook page nito ang mga sumusunod:

"Ang mga page na nabanggit ay gumagamit ng identidad ng DSWD nang walang pahintulot at nanlilinlang sa publiko sa pag-aakalang ito ay isang opisyal na plataporma ng ahensya. Hinihikayat naming i-report ang mga Facebook page na sa itaas," pahayag ng DSWD.

"Kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa. Huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source tulad ng mga page na ito,"dagdag pa nito.