Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng ₱0.08 kada kilowatt hour (kWh) na taas-singil sa kuryente ngayong Enero, 2024.

Sa isang advisory, inanunsiyo ng Meralco na ang pagpapatupad ng upward adjustment ay bunsod na rin ng mas mataas na generation charge.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa Meralco, dahil sa dagdag-singil, ang overall electricity rate sa isang typical household ay aabot na sa P11.3430 kada kWh mula sa ₱11.2584 kada kWh noong Disyembre.

Nangangahulugan anila ito na ang total electricity bill ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan, ay magkakaroon ng hanggang ₱17 na dagdag sa bayarin sa kuryente habang ₱25 na kumukonsumo ng 300 kWh.

Ang mga nakakakonsumo naman ng 400 kWh ay madaragdagan ng ₱34 sa kanilang buwanang bayarin habang ₱42 naman para sa nakakagamit ng 500 kWh kada buwan.

Noong Disyembre, 2023, nagpatupad naman ang Meralco ng ₱0.80 kada kWh na tapyas sa singil sa kuryente dahil sa pagbaba ng presyo sa spot market.