Nagsampa na ng reklamo si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. laban kay retired Army Brig. Gen. Johnny Macanas, Sr. kaugnay sa umano'y destabilisasyon laban sa administrasyong Marcos.

Sa pahayag ni PNP information office chief, Co. Jean Fajardo, si Macanas ang nasa likod umano ng “The General’s Opinion” page sa social media na siyang nagdadawit kina Acorda at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr. sa umano'y pagpapabagsak sa administrasyon.

Kasong paglabag sa Article 154 ng Republic Act 10951 na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang isinampa laban kay Macanas dahil sa pagpapakalat nito ng maling impormasyon sa publiko.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Kaugnay nito, nakikipag-usap na ang PNP sa pamunuan ng Facebook at Youtube upang i-take-down ang mga mapanirang post ni Macanas.

Wala pang itinatakdang pagdinig ang Quezon City Prosecutor's Office hinggil sa kaso.