Bumaba sa 1.83 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Nobyembre 2023 mula sa 2.09 milyon noong Oktubre 2023 at sa 2.18 milyon noong Nobyembre 2022, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes, Enero 9.

Sa ulat ng PSA, nasa 3.6% ang naitalang unemployment rate sa Pilipinas nitong Nobyembre 2023, mas mababa kumpara sa unemployment rate noong Oktubre 2023 maging noong Nobyembre 2022 na parehong nasa 4.2%. 

Kaugnay nito, tumaas daw sa 96.4% ang employment rate sa bansa nitong Nobyembre 2023, mula sa 95.8% noong Oktubre 2023 at noong Nobyembre 2022.

“In terms of levels, the number of employed persons in November 2023 was estimated at 49.64 million, lower than the number of employed persons in the same month of the previous year at 49.71 million. In October 2023, the number of employed persons was posted at 47.80 million,” saad ng PSA.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Samantala, patuloy raw na nangibabaw ang services sector sa labor market nitong Nobyembre 2023 pagdating sa bilang ng mga indibidwal na may trabaho, kung saan 59.5% daw ng 49.64 milyong mga taong may trabaho ang mula sa naturang sektor.

Sinundan naman ang sektor ng serbisyon ng sektor ng agrikultura (24.6%) at ng sektor ng industriya (15.9%).

Ayon sa PSA, ang nangungunang limang sub-sector pagdating sa taunang pagtaas sa bilang ng mga Pinoy na may trabaho noong Nobyembre 2023 ay ang mga sumusunod:

  1. Agriculture and forestry (1.24 million);       
  2. Construction (453 thousand);        
  3. Transportation and storage (308 thousand);       
  4. Fishing and aquaculture (305 thousand); at       
  5. Administrative and support service activities (189 thousand).