Kinumpirma ng mga opisyal ng Quiapo Church na naputol ang lubid na nakadugtong sa "andas" ng Itim na Nazareno.
Sinabi ng mga deboto na naputol ang lubid ng “andas” dakong 1:00 ng hapon nang kumanan daw ito sa Arlegui Street corner Quezon Boulevard.
Nagdulot ang insidente ng maikling pagkaantala sa prusisyon sa kahabaan ng Arlegui Street, na tumagal ng mahigit dalawang oras.
Ayon naman sa mga opisyal ng Quiapo, mayroon pang dalawang lubid na ginamit sa prusisyon dahil sa kaliwang bahagi lamang ng mga ito ang naputol.
Tumulong din daw ang mga marshal at volunteer ng Hijos del Nazareno sa pagmamaniobra ng andas, ngayong mayroon na itong mas maikling mga lubid.
Samantala, ibinalik ang tali sa Quiapo Church ng daan-daang mga deboto na nakahawak pa rin dito bandang 1:40 ng hapon.
Diann Ivy C. Calucin