Nangaroling ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa mga kilala at bigating chief executive officer o CEO ng mga naglalakihang kompanya.

Taong 2021 nang simulan ni Alex ang pangangaroling para makatulong sa mga pamilya at indibidwal sa panahon ng Kapaskuhan. Una siyang nangaroling sa mga presidential at vice presidential bet. At noong 2022 naman ay sa mga senador ng Pilipinas.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Ngayon bilang pahabol sa 2023, nangaroling si Alex sa mga bigating CEO ng mga naglalakihang kompanya.

Mapapanood sa naturang vlog na in-upload nitong Enero 7, ang kuwelang pangangaroling ng aktres.

Kasama rito si Rosmar Tan ng Rosmar Skin Essentials, Joel Cruz ng Aficionado Perfume, Dr. Vicki Belo ng Belo Medical Group, James Parry at Daniel Isherwood ng Jag and Polo Assn, Leo Ortiz at Jeff Tan ng Glutalipo, Viy Cortez ng Viy Line Cosmetics, Mariana Zobel de Ayala-Aboitiz ng Ayala Corporation, Manuel V. Pangilinan (MVP) ng First Pacific Co LTD, Bossing Vic Sotto ng TVJ Productions at Manny Villar ng Vistamalls and Vista Land Corporation.

Mapapanood din ang mga iniabot na donation ng mga CEO kay Alex.

Sa huli sinamahan din siya ni Senador Loren Legarda sa pamimigay ng mga grocery items sa mga pamilya at indibidwal.

Nakapamigay si Alex ng 480 grocery items na nagkakahalaga ng P1600 kada bag.

Habang isinusulat ito, #3 trending ang naturang vlog ni Alex.