Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Aurora nitong Martes ng gabi, Enero 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:38 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 10 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Casiguran, Aurora, na may lalim na 30 kilometro.

Metro

Sec. Dizon, tiniyak maiibsan lagpas-taong baha sa Araneta, QC bago ang tag-ulan

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II- Casiguran, AURORA; City of Santiago, ISABELA 

Intensity I- Dipaculao, AURORA

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.