Ipinahayag ni House Speaker Martin Romualdez na napaamo na raw ng Pilipinas, sa ilalim ng administrasyong Marcos, ang “inflation” na tinawag niyang “halimaw.”

Kamakailan lamang ay inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 3.9% ang inflation rate sa bansa nitong Disyembre 2023 mula sa 4.1% na datos noong Nobyembre 2023 at mula sa 8.7% na inflation rate noong Enero 2023.

Ang naturang pagbaba ng inflation noong nakaraang buwan ang naging pinakamababa raw na inflation rate para sa nakaraang taon.

MAKI-BALITA: Inflation rate, bumaba sa 3.9% nitong Disyembre 2023 – PSA

PBBM, ikinatuwa pagbaba ng inflation rate nitong Disyembre 2023

Kaugnay nito, inihayag ni Romualdez ang kaniyang pagkatuwa, at sinabing ito ay isang “good news” para sa mga Pilipino.

“We have tamed the monster, cutting it down by more than half,” pahayag ni Romualdez.

“We are happy about this encouraging piece of good news, especially for our people. The easing of inflation last month meant that food prices were still down despite the fact the December and the Christmas season usually see prices jumping to unreasonable levels,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa mambabatas, ang naturang 3.9% na datos noong Disyembre 2023 ay nakahanay sa target ng pamahalaan na 2% hanggang 4% na inflation rate.

“This development is a testament to the collective effort and resilience of our people and the Marcos administration's commitment to make life better for every Filipino,” saad ni Romualdez.

Matatandaang kamakailan lamang ay naglabas din ng reaksiyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa naturang pagbaba ng inflation rate noong nakaraang buwan.