Halo-halo ang naging reaksiyon at komento ng mga netizen sa kauna-unahang pagsasama sa pelikula nina Aga Muhlach at Julia Barretto sa pelikula.

May pamagat itong "Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko" na ipalalabas sa Pebrero 7, 2024, sa mga sinehan, produced by Viva Films.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

View this post on Instagram

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Bukod kina Aga at Julia, makakasama rin sa pelikula sina Cindy Miranda, Boboy Garrovillo, Nonie Buencamino, Rafa Siguion-Reyna, Nicole Omillo, Janine Teñoso, Jean Kiley, Mimi Marquez, Taneo Sebastian, Frost Sandoval, at MJ Cayabyab.

Ito raw ay written at directed by Denise O’hara.

Nabigla ang mga netizen sa Instagram post ng Viva Films sa photo ng dalawa para sa kanilang kauna-unahang pelikula.

Tila sumusunod naman daw sa yapak ng kaniyang Tita Claudine Barretto si Julia dahil kung matatandaan, naging leading man na rin ni Clau si Aga sa Star Cinema movie "Kailangan Kita" noong 2002.

At hindi lamang si Claudine kundi nagkaroon ng ugnayan noon sa pagitan nina Aga at isa pang tita ni Julia na si Gretchen Barretto.

Narito naman ang ilan sa mga positibong reaksiyon at komento ng netizens.

"Excited na ako sa movie nila."

",well deserved👏❤️ she is like Claudine of this generation great actress with class with daring scenes but not malaswa just really a professional actor."

"Wow, iba pa rin talaga si Aga. Go!!"

"Nice, excited na ako."

"You are so blessed @juliabarretto to be with the one and only @agamuhlach317 🤎😍🤎😍 will definitely watch this. Award-winning acting for sure!"

Kung may mga excited na, may ilan namang nagsabing sa dami ng puwedeng i-partner kay Aga o kay Julia, sana naman daw ay ka-same age bracket na lang.

"bakit 20+ yrs age gap ang laging pairing?"

"Parang mag-lolo na."

"Nakakasuka."

"Yuck!"

"Kaya ang daming DOMs eh."

"Can they stop partnering LOLOS and APOS…. 🤮🤮🤮🤮"

"kala ko vivamax!lolz."

"Weird. This world is SICK & PERVERTED."

"Sana Aga-Leah o Aga-Claudine na lng, walang chemistry at super cringe.."

"This is gross. Inappropriate age gap. Parang father and daughter na to eh."

Sa kabila nito ay inilabas na rin ng Viva ang official poster ng pelikula.

"Two hearts connected by music, will they beat as one?"

"The season of love begins! Here’s the Official Poster of ‘IKAW PA RIN ANG PIPILIIN KO’. Starring Aga Muhlach and Julia Barretto," saad sa text caption.

Baka naman depende sa takbo ng kuwento kaya ganito ang pairing? Abangan na lamang ang pelikula sa Pebrero sa mga sinehan. Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag sina Aga at Julia tungkol dito.

MAKI-BALITA: Sunod sa yapak ni Tita? Aga at Julia magtatambal sa pelikula