Ikinasal na ang long time partners na sina Robi Domingo at Maiqui Pineda nitong Sabado, Enero 6 sa pamamagitan ng isang pribado at intimate church wedding.

Naganap ang kasalan sa Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Bulacan.

Ang mga dumalo sa kanilang kasalan ay mga kapamilya, ilang mga kaibigan sa personal at maging sa mundo ng showbiz, kabilang na si Magandang Buhay host Melai Cantiveros, na kasama rin ni Robi sa Pinoy Big Brother at It's Your Lucky Day. Ibinahagi ni Melai sa kaniyang Instagram story ang kuhang larawan ng mag-asawa.

"Congrats Mr. and Mrs. Robi and Maiqui Domingo," anang Melai sa text caption niya rito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Photo courtesy: Melai Cantiveros (IG)

Siyempre, imbitado rin ang mga boss ni Robi sa ABS-CBN gaya nina Ilan sa mga principal sponsors sa kasal nina Robi at Maiqui ay CEO at President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes at Star Magic head Direk Lauren Dyogi.

Sa mga celebrity naman, bukod kay Melai ay present ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, celebrity doctor Vicki Belo, Piolo Pascual, groomsmen sina Donny Pangilinan at Darren Espanto, at ang mag-ex na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nagsilbing candle bearers naman.

Sa mundo ng politika, imbitado ang dating Vice President na si Atty. Leni Robredo. Si Robi ay isang Kakampink at nagpahayag ng pagsuporta sa kandidatura ni Robredo sa pagkapangulo sa nagdaang presidential elections.

Pinakiusapan ng mag-asawa ang mga bisita na saka lamang mag-post ng tungkol sa kanilang kasal sa social media kapag natapos na ang reception.

Matatandaang bago ang kasal ay nagkaroon muna ng pagsubok sa health aspect ni Maqui. Ito ay isang autoimmune disease na tinatawag na dermatomyositis.

Sinabi ni Robi na hindi niya iiwanan si Maiqui dahil sa pinagdaraanan nito.

Hiningi naman ng TV host ang mga kamay ng fiancee noong November 2022 habang sila ay nasa Japan.

MAKI-BALITA: Fiancée ni Robi Domingo may rare autoimmune disease