Tumatanggap na ang Civil Service Commission (CSC) ng nominasyon para sa “2024 Outstanding Government Workers” sa pamamagitan ng regional offices ng komisyon.

Ang pagpaparangal na ito ay bahagi ng Honor Awards Program (HAP) ng CSC upang kilalanin ang dedikasyon at pagsisikap ng bawat empleyado sa kanilang sinumpaang trabaho.

Lahat ng mga empleyado sa gobyerno–kabilang na ang mga appointed na barangay official—ay kabilang sa mga karapat-dapat ma-nominate maliban sa mga nasa ilalim ng Job Order o Contract Service.

Ang mga lingkod-bayan na may natatanging tagumpay ng pambansang epekto ay maaaring ma-nominate para sa kategoryang “Presidential Lingkod Bayan Award” habang ang mga nag-ambag naman ng inobasyon, digital transformation, o iba pang positibong pagbabago sa loob ng kanilang rehiyon, ahensya, o departamento ay pasok sa kategoryang “CSC Pag-asa Award”.

National

PBBM, tinanggap na pagbibitiw ni Napolcom commissioner Leonardo

Samantala, ang mga lingkod-bayang patuloy na nagpapamalas ng huwaran at etikal na pag-uugali sa gitna ng kinakaharap na panganib o tuksong likas sa kanilang trabaho ay maaa­ring i-nominate sa kategor­yang Outstanding Public Officials and Emplo­yees (Dangal ng Bayan).

Bukas din ang posthumous nomination para sa mga empleyadong pumanaw habang tumutupad sa kanilang tungkulin. Dapat gawin ang nominasyon sa loob ng 12 buwan mula sa oras ng kamatayan.

Sa Marso 31, 2024 nakatakdang matapos ang pagsusumite ng nominasyon.