Pinalawig ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang theatrical run ng 10 entries nito hanggang sa Enero 14, 2024, ayon sa MMDA nitong Linggo, Enero 7. 

Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA Acting Chairman and MMFF Overall Concurrent Chairman Atty. Don Artes na in-extend nila ang pagpapalabas ng 10 pelikula ng MMFF matapos ang natanggap nilang mga panawagan mula sa publiko sa social media.

"We at the MMFF would like to express our deepest gratitude to all who have supported us and watched the movie entries, particularly those who requested for the MMFF movies to extend beyond its original run," ani Artes.

"Marami pong salamat sa inyong patuloy na pagtangkilik. Moviegoers, may mga karagdagang araw pa para panoorin lahat ng MMFF entries,” dagdag pa niya.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Samantala, magiging epektibo rin daw ang MMFF complimentary pass hanggang sa Enero 14.

Ang 10 pelikula sa lineup ng pelikula ngayong taon ay: “A Family of 2 (A Mother and Son Story),” “(K)Ampon,” “Penduko,” “Rewind,” “Becky and Badette,” “Broken Heart’s Trip,” “Firefly,” “GomBurZa,” “Mallari,” at “When I Met You in Tokyo.”

Ayon kay Artes, umabot na sa ₱1 billion ang kabuuang kita ng sampung pelikula sa nasabing film festival. Nahigitan daw nito ang performance ng 2022 festival na kumita ng ₱500 milyon.

MAKI-BALITA: Total gross ng MMFF 2023, umakyat na sa ₱1 billion 

"Truly, this year's MMFF is a certified box office hit. This is a good sign as we gear up for the Manila International Film Festival (MIFF)," saad ni Artes.