Hinigpitan muli ang implementasyon ng 'No Registration, No Travel' policy ng pamahalaan, ayon sa Land Transportation Office (LTO).

Ipinaliwanag ni LTO chief Vigor Mendoza II, umabot na sa 24.7 milyong sasakyan ang may expired registration at ito ay kumakatawan sa 65 porsyento ng kabuuang behikulo sa bansa.

Inaasahan ng ahensya na tataas ang bilang ng mga mahuhuling sasakyang expired ang registration dahil na rin sa pinaigting na kampanya nito.

Kaugnay nito, nasa 529,578 motorista ang nahuli ng LTO noong 2023 dahil na rin sa paglabag sa batas.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Inatasan na ni Mendoza ang lahat ng regional director na panatilihin ang presensya ng LTO traffic enforcers sa lansangan upang mapilitang tumino ang mga motorista.

Sa datos ng LTO, kabilang sa mga nilabag ng mga motorista ang Clean Air Act (Republic Act 8749), Seatbelt Law Act (RA 8750) at Anti-Overloading Act (RA 8794).

Binanggit din ng ahensya na umabot sa 23,615 sasakyan ang na-impound noong 2023, mas mataas kumpara sa naitala noong 2022.