Pinalagan muli ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang viral video na mamamahagi muli ng educational assistance sa mahihirap na estudyante.

"Walang katotohanan ang kumakalat na video sa TikTok na muling magbibigay ang DSWD ng educational assistance sa mga mag-aaral," anang ahensya.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

"Ang educational assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD ay wala pang tiyak na detalye kung kailan ito magsisimula," paglilinaw ng DSWD.

Sinabi ng DSWD, hindi muna sila makapagbigay ng tulong pang-edukasyon.

Gayunpaman, ipinaliwanag ng ahensya na ang AICS program ay may iba pang uri ng tulong na maaaring i-avail tulad ng medikal, transportasyon, burial, atbp.

"Mangyaring bisitahin ang pinakamalapit na DSWD Satellite Offices o Crisis Intervention Division para sa karagdagang impormasyon," sabi ng ahensya.

Maliban pa rito, sinabi ng DSWD na once every school year lamang ang pagbibigay ng educational assistance na bahagi ng tulong sa mga student-in-crisis para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa panahon ng krisis o emergency situation.

"Kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa online. Huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source," dagdag pa ng DSWD.