Walong tripulante ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos sumadsad ang sinasakyang barko sa Calatagan, Batangas kamakailan.

Sa report ng PCG, kaagad na nagresponde ang mga tauhan ng CG District Southern Tagalog sa karagatang bahagi ng Calatagan Port, Barangay Poblacion 4, matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa insidente nitong Enero 3.

Nailigtas ng Coast Guard ang walong tripulante ng MV Group Seven na paalis pa lamang sana sa Calatagan Port patungong Daang Hari, Navotas upang ito ay ipaayos.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang barko ay tinangay ng alon sa mababaw na bahagi dagat kaya ito sumadsad.

Kinumpirma rin ng PCG na hindi nagkaroon ng oil spill sa lugar ng pinangyarihan ng insidente.