
(📸: Mandaue City Police Office/FB)
₱20M illegal drugs, nakumpiska sa Cebu buy-bust
Nakumpiska ng pulisya ang mahigit ₱20 milyong halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa ML Queen Highway, Barangay Casuntingan, Mandaue City, Cebu, nitong Sabado ng madaling araw.
Ito ang kinumpirma ni Mandaue City Police spokesperson Lt. Col. Franc Oriol at sinabing nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nasa drug watchlist ng mga awtoridad.
Nasa 3.050 kilo ng illegal drugs ang nasamsam sa suspek, ayon sa pulisya.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek, dagdag pa ni Oriol.