Apat pa na pagyanig ang naitala sa Bulkang Taal sa nakaraang 24-oras na pagmamanman, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang naturang pag-aalburoto ay naitala nitong Huwebes ng madaling araw hanggang Biyernes ng madaling araw.

Nitong Enero 2, nagbuga ang bulkan ng 11,434 tonelada ng sulfur dioxide, bukod pa ang puting usok na umabot sa 2,400 metrong taas na tinangay ng hangin pa-timog-timog kanluran.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Napansin din ng Phivolcs ang panandaliang pamamaga ng hilagang bahagi ng Taal Volcano Island (TVI).

Babala ng Phivolcs, bawal pa ring pumasok sa TVI, lalo na sa main crater at Daang Kastila fissures at pananatili sa Taal Lake dahil sa nakaambang phreatic explosions, pagyanig at pagbuga ng abo ng bulkan.

Nasa Level 1 pa rin ang alert status ng bulkan, ayon sa Phivolcs.

Matatandaang  libu-libong residente ang lumikas nang magpakawala ng makapal na abo ang bulkan noong Marso 26, 2022.