Nagbahagi ng appreciation post si Bela Padilla para sa kaniyang kaibigang aktres na si Kim Chiu.

Sa Instagram post ni Bela noong Miyerkules, Enero 3, sinabi niyang marami daw silang pagkakatulad ni Kim.

“For those who don’t know, Kim and I are born a few days apart. And we’re so alike in many, many ways. And since 2017, she has been such a great source of laughter and strength for me!” saad ni Bela.

“This trip was no exception. Thank you, Kimmy for making every small and big event the happiest ever!!! Dami nating natutunan this trip 😂😂😂 and lagi tayong tulog na tulog at the end of the day sa daming side quests, but I had the best time!” aniya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Dagdag pa ni Bela: “Manifesting a great 2024 for you, me and momsy @iamangelicap 🥹❤️ #AngBeKi”

Nagkomento naman si Kim sa post ni Bela at tila naantig sa mensahe ng kaibigan.

“Awwww love you to bits momsy!!!! Thanks for being the best!!!! This trip nasubok ang friendship talaga! Hahaha wait for my post!” sabi ni Kim.

View this post on Instagram

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Matatandaang lumipad papuntang Amerika si Kim at doon nga ay nagkasama sila ni Bela. Dumalo sila sa outdoor wedding ni Angelica Panganiban na kaibigan din nila.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, may ibang ka-date sa US?

MAKI-BALITA: Angge ikinasal na kay Gregg: ‘Patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig!’