Binigyang-linaw ni Annabelle Rama ang tungkol sa napabalitang ni-like niya raw ang isa sa mga Instagram post ng manugang na si Sarah Lahbati.

Tila nabigyang-kulay ito ng mga netizen na parang nagkakaayos na raw ang dalawa.

Matatandaang hanggang sa kasalukuyan ay wala pang kumpirmasyon o pahayag ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati tungkol sa kanilang hiwalayan, pero ang pinagbatayan ng showbiz news reporters at mga marites ay mga makahulugang pahayag ni Annabelle laban sa manugang.

Pati nga ang kampo ni Sarah ay nag-iingay na rin tungkol sa isyu gaya ng kaniyang mga magulang.

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

Enero 1, nag-post si Sarah sa Instagram ng mga kuhang larawan nila ng pamilya niya sa Bohol.

“1/366,” saad ni Sarah sa caption.

At natuwa naman ang mga netizen nang mapansing naka-heart react dito ang Instagram account ni Annabelle.

Ngunit sa paglilinaw ni Annabelle sa pamamagitan ng showbiz columnist na si Jun Lalin ng isang pahayagan, sinabi niyang baka isa sa mga apo niya ang nakapindot lamang nito.

Wala raw siyang panahong mag-check ng social media posts dahil busy raw sila habang nasa Japan, at nagkataong lumindol pa raw.

At kung bibisitahin ulit ang post ni Sarah, hindi na naka-like dito si Annabelle.

Which means to say, hindi pa nagkakaayos ang in-laws.

MAKI-BALITA: ‘Magkabati na ba?’ Annabelle Rama, pinusuan post ni Sarah Lahbati