Nangako ang pamahalaan na mabigyan ng kabuhayan ang mga driver na apektado ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Paliwanag ni Office of the Transportation Cooperatives (OTC) chairman Jesus Ferdinand Ortega, may nakalaang pondo ang  Department of Labor and Employment (DOLE) para sa livelihood assistance nito.

Aniya, naglaan din ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng pondo para naman sa skills development program nito.

“Mayroon pong pondong pumasok sa DOLE at saka sa TESDA po kasi ‘yung mga affected po, hindi na sumama either operator, drivers or even ‘yung mga parte ng negosyo ng transportasyon, puwede po silang mag-avail sa DOLE wherein they will be given a certain amount. Parang puhunan po in terms of goods to do other businesses,” ani Ortega.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

“Sa TESDA naman po, puwede silang mag-enroll ng certain courses to have another kind of profession. There are help from DOLE and TESDA sa mga affected po,” aniya.

Patuloy aniyang naghahanap ng solusyon ang pamahalaan para sa mga driver na nagnanais na magtrabaho sa ibang operator na sumali sa mandatory franchise consolidation.

“Ang ating objective po ngayon is mabigyan, tumuloy 'ung trabaho ng mga jeepney drivers from their previous operators na hindi na po nag-consolidate, para lumipat sila. Tuloy ang trabaho pero this time, iba na po ‘yun. Sila ay magiging miyembro ng cooperative para mabigyan po sila ng trabaho,” dagdag pa ni Ortega.

Ang deadline ng application para sa franchise consolidation ng pamahalaan ay nitong Disyembre 31.