Bumabawi raw nang todo-todo sa isa’t isa ang mag-amang Gabby Concepcion at KC Concepcion ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin noong Martes, Enero 2.

Ayon kay Cristy, maligayang-maligaya raw sina KC at Gabby na silang dalawa ay nagkasama noong Pasko sa Amerika.

Iyon kasi ang unang beses na magdiriwang siya ng kapaskuhan kasama ang pamilya ng kaniyang ama. 

At ngayon nga ay tila unti-unti na raw nabubuo ang pagkatao ni KC ayon kay Romel Chika dahil nakilala pa niya nang lubusan ang iba pa niyang kamag-anak sa side ni Gabby.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

“Totoo ‘yan. Kumbaga ‘yung ika nga niya e mga broken pieces, nabubuo na ‘yung puzzle ngayon,” sang-ayon ni Cristy.

“Noong una silang magkatagpo ng kaniyang ama few years back, di ba, mayroon din silang mga larawan na pinost na magkakasama sila…basta buong Concepcion family. Pero ngayon, lalo’t higit natutukan nila ‘yung nasayang na panahon. Bawing-bawi silang mag-ama ngayon,” saad pa niya.

Samantala, kahit hindi kasama noong Pasko, naglagay naman ang ina ni KC na si Sharon Cuneta ng “empty seat” na para daw sa kaniya.

MAKI-BALITA: Sharon may pa- ’empty seat’ para kay KC pero kay Gabby nag-noche buena