Ano kaya ang pasabog ni “It’s Showtime” host Kim Chiu na posibleng maging katapusan ng career ng ex-jowa niyang si Xian Lim?

Iyan ang tinalakay nina Cristy Fermin at Romel Chika sa isang episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Enero 2.

Ayon kay Cristy, may source daw siyang nakapagsabi sa kaniya ng tungkol dito.

“Mabait itong si Kim Chiu. Respetedo niya ang kaniyang kapuwa. Edukado siya. Kapag ito ang nagsalita, matinding pasabog ang kalalabasan,” saad ni Cristy,

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Kapag nagsalita na raw si Kim Chiu, good bye na sa kaniyang career si Xian Lim. Ano kayang ibig sabihin noon?” aniya.

“Naku, Nay! Ano kaya ‘yung sasabihin na gusto nating malaman at ipapaalam sa atin ni Kim Chiu kapag nagsalita siya. Ano ba ‘yan, naku! Iba-iba tayo ng iniisip,” tugon naman ni Romel.

“Totoo. Totoong-totoo ‘yan,” pag-sang-ayon ni Cristy.

Dagdag pa niya, simula’t sapul daw ay sobrang bait daw talaga ni Kim. Matatandaang maski raw noong naghiwalay sila ng dati niya ring jowang si Gerlad Anderson, walang narinig ang publiko na masamang salita mula kay Kim tungkol sa kaniyang ex.

Kaya naman talagang hindi raw nakakapagtaka na naging maganda ang takbo ng kaniyang karera sa showbiz industry simula noon hanggang sa kasalukuyan.

“Ewan ko lang this time, ha. Dito kay Xian Lim. Kasi mukhang pabor sa kaniya ang lahat ng tao na ‘mabuti naman nagtanggal ka na ng helmet sa ulo. Nauntog ka na sa katotohanan’,” sabi ni Cristy.

Matatandaang bago matapos ang 2023 ay humabol pa sina Kim at Xian sa nangyayaring hiwalayan sa showbiz world matapos nilang kumpirmahin ito sa kani-kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’