Kinukuyog ng mga marites na naghihintay ng tsika ang Instagram posts ni Kim Jones, ang misis ng award-winning actor na si Jericho Rosales.

Nagtatanong na ang mga netizen kung totoo ba ang tsikang sila ang couple na tinutukoy sa blind item at kamakailan lamang ay napaulat pa ni Ogie Diaz, na naghiwalay na at inaasikaso na lamang ang annulment.

Kahit matagal na raw hiwalay ay nananatiling magkaibigan daw ang dalawa.

Sa Christmas greetings ni Kim sa kaniyang Instagram post noong Disyembre 25, mababasang nagtanong ang mga netizen kung sila pa ba ni Echo.

Ahas na mas makamandag daw sa cobra, namataan sa baha sa CamSur

Mukhang sa post ni Kim ay okay naman sila ni Jericho dahil nagkomento pa nga ito sa nabanggit niyang "scrabble victories."

Batay sa post, tila naglalaro ng scrabble ang mag-asawa kasama pa ang nanay ni Echo.

"I hope you are all smiling and feeling the warm and fuzzies, merry Christmas to all of you. 🧚🏼‍♀️ May no family bonds be broken over scrabble victories," ani Kim sa kaniyang Instagram post.

Reply naman ni Echo, "Try to fake lose for once,Kim. Your mom is still on the game table wearing tears on her face."

"@jerichorosalesofficial lol she ruthless who she kidding," tugon naman dito ni Kim.

Sa comment section ay narito naman ang mga tanong ng netizens:

"@kimcamjones are you and echo still a couple po ?"

"@jerichorosalesofficial @kimcamjones you guys are talk of the town right now due to the blind item that you guys separated already and just waiting for the result of annulment 🤣🤣 kaloka! 😆"

"Totoo po ba?"

"Mrs. Rosales ka pa rin ba?"

"Happy New Year Mrs. Rosales, hope and pray that you don’t give up on your marriage @jerichorosalesofficial pray and fight for your marriage. ❤️"

Pero ilang netizens na rin ang nanaway sa mga marites na nagtatanong sa kanila.

"hindi nila obligasyon or responsibilidad na kumpirmahin ang kung anong tanong meron ka. Rumespeto ka. Unahin mo buhay mo."

"ang kakalat niyo. Keeping private matter way nila yun to have inner peace Jusko! Get a life tama na iyong chismis nalang sa brgy niyo wag idamay mga taong walang kinalaman sa buhay niyo."

Samantala, hindi naman tumugon o sumagot ang mag-asawa sa mga pang-uurirat ng netizens sa kanila.