Flinex ng TV host-actor na si Joey De Leon ang kaniyang first painting ngayong 2024.
Sa Instagram post ni Joey nitong Linggo, Disyembre 31, sinabi niyang iniaalay daw niya ang nasabing painting sa mga TV station.
“This painting is dedicated to all the TV stations we’ve been to, E for 9, A for 2, T for 7 and B for 5,“ pahayag ni Joey.
“Thank you not only for the “New Years” but for ALL the years we’ve shared! All the best for us in 2024!” aniya.
View this post on Instagram
Sa isang hiwalay na post, makikita naman ang progress ng kaniyang painting. Nagkaroon na ito ng title.
“Almost finished! My first painting for 2024, ‘Count on Me’ 🙏 Thank YOU for all the graces and blessings. We always count on You!” saad pa niya.
View this post on Instagram
Hindi naman napigilan ng mga netizen na magbigay ng kani-kanilang reaksiyon sa post ni Joey. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“❤️❤️❤️THE REAL GENIUS WALANG TATALO SA TVJ THE LIVING LEGENDS”
“Galing chanel 9 ,2,7,tapos 5 nice henyo master”
Waiting for your love noontime today woohoo!!! Legit dabarkads kami since baby pa po ako 1982 haha”
“9 2 7 and 5 = past and present home of EAT BULAGA. 9 as E , 2 as A, 7 as T and 5 as B ❤️”
“Henyo master 😍”
“Ang galing! Yong 927 mga stations na pinanggaling nila tamang-tama sa salitang EAT dahil sakto ang pagkakasunod 9-2-7, at ang B sa BULAGA ay naging 5 kung saan ay nandoon sila ngayon. Isa ka talagang Henyo @angpoetnyo Hindi yan kayang isipin ng mga taga FAKE BULAGA dahil wala naman silang mga utak, title nga hindi maka isip, hirap na hirap sila.”
“Nice painting fo the start of 2024...tatak Henyo Master yan....❤️❤️❤️”
“Happy New Year po sir Joey sana this 2024 gamitin nyo na Yung EAT Bulaga title na kayo naman talaga Ang lumikha at tunay na nagmamay ari.more power to EAT Bulaga TV5 at sa Legit dabarkads solid forever po kami❤️💯👍🙏☺️”
Matatandaang ipinawalang-bisa na ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang Trademark Registration ng TAPE, Inc. para sa titulong “Eat Bulaga!”
MAKI-BALITA: Trademark registration ng ‘Eat Bulaga!’ sa TAPE, kanselado na
Pero bago pa man ito, naglabas ng resibo noong Agosto ang TAPE na nauna silang magpa-renew ng “Eat Bulaga!” trademark sa IPOPHIL bago pa man ang paghahain ng reklamo ng Petitioners na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon o TVJ tungkol dito.
MAKI-BALITA: Ni-renew ng 10 taon: ‘Eat Bulaga!’ trademark pagmamay-ari ng TAPE, Inc.