Ipinagmalaki ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang nagawa ng administrasyong Marcos na ₱8.7 trilyong infrastructure projects ngayong taon.

Sinabi ng NEDA, nakapaloob sa mga nasabing proyekto ang pagtitiyak ng seguridad sa pagkain, paglikha ng trabaho at iba pa.

Ipinaliwanag ng NEDA, ang 2023 ay taon ng pagsusumikap at dedikasyon para sa hangarin nitong 𝑀𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔, 𝑀𝑎𝑔𝑖𝑛ℎ𝑎𝑤𝑎, 𝑎𝑡 𝑃𝑎𝑛𝑎𝑡𝑎𝑔 𝑛𝑎 𝐵𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝐿𝑎ℎ𝑎𝑡.

“The NEDA Board convened 12 times this year – the highest number in recent years – to swiftly approve and endorse critical infrastructure projects, plans, and measures. NEDA also advocated for critical policies aimed at transforming our society into one that is prosperous, inclusive, and resilient,” pahayag ng NEDA.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

“While there is more work ahead for NEDA to achieve our development goals, we assure you that our active dedication to improving the lives of every Filipino will remain steadfast in the coming years,” dagdag ng ahensya.

Kabilang sa naging hakbang ng pamahalaan ang patuloy na implementasyon ng napapanahong mahusay na pamamaraan upang mapatatag ang presyo ng ng mga pangunahing bilihin, maprotektahan ang purchasing power ng mga pamilyang Pinoy at masuportahan ang mga vulnerable sector sa pamamagitan ng mga subsidiya.

Matatandaang nasa 197 infrastructure flagship projects na nagkakahalaga ng ₱8.7 trilyon ang inaprubahan ng NEDA Board na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang bahagi ng Build Better More Infrastructure Program ng administrasyon.