“Coming in hot 🔥⁣.”

Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang mosaic features ng tatlong nebula na nakuhanan daw ng kanilang Wide-Field Infrared Survey Explorer (WISE).

Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na bahagi ang naturang mga nebula ay ang Flame Nebula, Horsehead Nebula, at NGC 2023.

Bahagi raw ang tatlong nebula ng Orion Molecular Cloud.

Bow-shaped nebula, napitikan ng NASA

Ayon sa NASA, bagama’t “Flame nebula” raw ang pangalan ng una, wala raw apoy na nagmumula rito.

“What makes it so bright is the blue star, Alnitak seen to the right of the central cloud,” saad nito.

Matatagpuan naman daw sa ibabang-kanan ng larawan ang Horsehead nebula.

“[It] can be easily recognizable in visible light by its silhouette of a horse’s head,” anang NASA.

“The bright circle on the lower half of the image is the third nebula, NGC 2023, also classified as a reflection nebula for the dust that reflects the visible light from nearby stars,” dagdag nito.

Kamakailan lamang ay nagbahagi rin ang NASA ng larawan ng bow-shaped nebula na matatagpuan daw sa layong 4,000 light-years mula sa Earth. ⁣