Pinasalamatan ni beauty queen-actress star Herlene Budol ang dati niyang manager na si Wlibert Tolentino sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Disyembre 28.

Ayon kasi kay Herlene, kahit hindi na niya manager si Wlibert ay lagi pa rin daw itong nandyan para sa kaniya.

“Thank you Mima ko @sirwil75. Yung kht indi na cya Manager ko pero andyan parin cya thru thick & thin at pinupush nya ako mag voice lesson at classmate ko narin si Little KaFreshness Willard King Tolentino,” ani Herlene.

“Masaya pala ang Musika. Yung may assesment ng coach ko si @kimusikero ng Jazz, Pop, Ballad, Blues, Rock, Hip hop, Classical, Electro, New age, Reggae atbp,” saad niya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Maglalabas kasi si Herlene ng bagong kanta na pinamagatang ‘Kain tayo’ kaya siya sumailalim sa voice lesson.

“Ciempre Abangan ang bagong Single na ilalabas ko sa 2024 - ‘KAIN TAYO’,” sabi pa niya.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang post na ito ng beauty queen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Yung ginagawa mong joke yung nagcause ng trauma sa ibang tao. Magaling din ano. Wala ng humanity at respeto sa kapwa babae. Hindi ka magandang ehemplo sa lahat.

Ugaling squammy talaga

Dati gsto ko yan, pokpok pala 🤮 gumanda lang parang nakawala n s hawla may pamilyang tao pa nilandi

😂 Perfect! Nice title Herlene 😊

Paiyakin ang mga bashers…inggit lang mga yan…

Haha pinatulan 👏

Love you always ka-squammy ❤️

Ganyan dapat patulan ang kain tayo kikita k pa dalaga sya anong masama ❤️❤️❤️

kain ka na po . ano ulam ???? RATBU

Matatandaang noong Disyembre 20 ay na-leak ang private convo ni Herlene sa kaniyang “Magandang Dilag” co-star na si Rob Gomez.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

MAKI-BALITA: Gutom daw: Rob Gomez, Herlene Budol ‘nagkakainan’ nga ba?

Pumalag naman si Herlene sa isyung ito at sinabing hindi raw siya hayok sa laman.

MAKI-BALITA: Herlene Budol sa isyu nila ni Rob Gomez: ‘Hindi ako hayok sa laman’